Saturday , November 16 2024

PH, US bff ulit (Nagkabalikan na)

MISTULANG binuhusan ng malamig na tubig ang ngitngit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Uncle Sam at nagpasalamat sa malaking tulong ng Amerika sa paglutas sa kaso ng pambobomba sa Davao City noong nakalipas na Setyembre na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng animnapu’t siyam.

Sa kanyang talumpati sa Annual Installation of the Board of Trustees and Officers ng Davao City Chamber of Commerce and Industry, Inc. (DCCI) kamakailan ay isinantabi muna ni Duterte ang galit sa imperyalistang US at kinilala ang ambag ng modernong teknolohiya ng Amerikano ang nagbigay daan sa pagkadakip sa lahat ng suspek sa Davao City bombing.

Ipinagmalaki ng Pangulo na hindi na isyu ngayon ang pagiging palaaway niya at ang kung ang imahe niya ay isa siyang ‘gago’ dahil ginagamit naman niya ang kanyang kagagohan sa kapwa niya ‘gago.’

“‘E iyang si Duterte talagang g*** ‘yan, masama ‘yan, palaaway ‘yan noon e.’ Well, that’s…Tapos na ‘yan. That’s a something which is a non-issue anymore. Wala na e. E kung g*** man ako noon, itong pagka-g*** ko gamitin ko na rin sa mga g***. Pero huwag mo akong…Kasi sabihin ko ‘yung nag-bomba (d)iyan sabi ko, hulihin ko talaga. And we were able to..,” aniya.

Nagbabala si Duterte sa mga kriminal na huwag maging kampante, naglipana ang drones na may camera ng US sa Davao City maliban sa closed circuit television (CCTV) ng pamahalaang lungsod kaya walang lusot kapag gumawa ng krimen.

“And also I’d like to thank, of course, the Americans. I am not saying that’s a…Their imperialism days, it’s different from the… Huwag kayong magkompiyansa ngayon. When you go out of ano…Aside from my camera, iyong sa siyudad natin, may ibang camera pa so ‘yung mukha mo nakikita talaga. You know one thing with this drone, anak ka ng…Sa gabi hindi mo makita, nandiyan lang pala sa tuktok ng Marco Polo. They can take pictures. So we have their faces. So it was very easy for us to catch them,” aniya.

Ikinalungkot ng Pangulo ang pagkasawi ng ilang Moro na sangkot sa Davao bombing ngunit hindi na niya idinetalye kung paano niya ‘pinatay.’

“Iyong iba…I am sorry may mga Moro tayong kapatid dito. Talagang pinatay ko. It’s not easy to just bomb a place and say…At least safe in the sense that we can prevent it, if you’re on time ‘coz we are able to almost all kinds of tao dito nakunan na ng picture e. But sometimes it cannot be prevented but…,” wika ng Pangulo.

Si Datu Mohammad Abduljabbar Sema, miyembro ng teroristang grupong Maute ay dinakip at nakakulong sa Kuala Lumpur, Malaysia bilang isa sa mga suspek sa Davao bombing.

Si Sema, ang 26-anyos na anak ni dating Cotabato City mayor Muslimin Sema, chairman ng isang paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Maguindanao 1st District Representative Bai Sandra Sema.

Si Muslimin ay isa sa inaasahan sa posibleng maging miyembro ng Bangsamoro Transition Council (BTC).

Kamakalawa ng gabi ay nakipagpulong si Duterte kay US Ambassador to the Philippines Kim Sung sa Davao City at nagkasundo ang dalawa na paigtingin ang relasyon ng dalawang bansa.

“He  (Kim) also discussed US-RP military cooperation, particularly in the fight against terrorism, and the extent of US assistance to Mindanao. Citing cooperation in law enforcement, Amb. Sung Kim stressed that the US will continue to provide support, including intelligence exchange and in maritime security. It was a very productive meeting marked by an open exchange of ideas,” ani Abella kaugnay sa 45-minutong pulong.

Matatandaan, hindi maganda ang naging relasyon ni Duterte sa pinalitan ni Kim na ambassador na si Philip Goldberg na anang Pangulo’y pakialamero, intrigero at bakla.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *