DAVAO CITY – Mistulang isang industriya na ang kidnap-for-ransom sa ilang pamayanan sa Sulu na nagiging kabuhayan na ng mga residente sa pamamagitan nang pagbibigay ayuda sa mga kidnaper at pag-aalaga sa kanilang mga bihag.
Sa isang press conference sa Davao City Old Airport, iniharap ni Pre-sidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang pinalayang mga bihag na tripulante na sina Park Chul Hong, ship captain at Filipino crew member Glenn Allindajao kahapon.
Sinabi ni Dureza, sina Park at Glenn ay binihag ng sampung armadong lalaki sa MV Dong Bang Giant 2 habang naglala-yag sa karagatan sa Tawi-tawi noong 20 Oktubre.
Isinakay aniya ang dalawang bihag sa speed boat ng mga kidnaper at dinala sa isang karatig bansa na hindi tinukoy, nagtagal sila nang ilang oras doon bago lumipat sa Sulu.
Nang mamatay aniya ang lider ng mga kidnaper na isang Abraham, i-pinasa ang dalawang bihag sa isang grupo at siyam na beses silang ini-lipat ng lugar sa loob nang mahigit dalawang buwan.
“They had been moved nine times. Everytime they come to the community they are being welcomed and the local communities also protect the takers. So me problema talaga sa area na ‘yan. Pati ordinary ci-tizens sa area, tumutulong,” ani Dureza.
Dagadag ni Dureza, ginulpi ng unang grupo ang mga bihag, at inusisa hinggil sa pinagtatrabahuhan nilang Korean company.
Pinanindigan ni Dureza na wala siyang alam kung nagbayad ng ransom ang Korean company kapalit nang paglaya ng kanilang mga emple-yado dahil may umiiral na “no ransom policy” ang gobyerno ngunit hindi nila kayang pigilan ang inis-yatiba ng pribadong sektor sakaling nakipagnegosasyson sa mga kidnaper.
Iginiit ni Dureza, ibinigay sa kustodiya niya ang dalawang bihag ni Gov. Sakurtan ng Sulu.
Naniniwala si Dureza na tumulong ang mga tauhan ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari upang mailigtas ang mga bihag mula sa kamay ng kidnapers ngunit wala siyang ibinigay na detalye kung paano nangyari.
“Tumulong ang MNLF. May non-MNLF rin na dati rin tumulong sa akin sa previous engagements.” Aniya.
“First nagpapasalamat ako sa taas na nakauwi pa kami. Almost hopeless na. But since nakauwi kami ng safe with the help of Sir Dureza and the president for assisting us, President Duterte. Thank you,” pahayag ni Alindajao. Sinabi ni Yongjeung Park, Consul and Police Attache, Korean Embassy, “Thank you very much. Especially secretary Dureza and Governor Sakur Tan for their big help for the release.”
May 27 bihag ang nasa kustodiya ng iba’t ibang kidnap for ransom groups sa Mindanao, ayon kay Dureza.
ni ROSE NOVENARIO