Saturday , November 16 2024

Online gambling ni Kim Wong tagilid

011417_FRONT

DAVAO CITY – Bilang na ang maliligayang araw ng  ‘colorum online gambling’  business ni  Kim Wong sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) accredited buildings.

Sinabi kahapon ni PEZA Director-General Charito Plaza, palalayasin nila sa mga gusali na klasipikado bilang “vertical economic zone” ang mga business process outsourcing company na sangkot sa online gambling dahil hindi kasama sa mandato ng PEZA ang operasyon ng online gambling.

Ani Plaza, tanging ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) lang ang may kapangyarihan na magbigay ng prankisa sa online gambling.

Ikinuwento ni Plaza sa sidelines ng PH-Japan Business Economic Forum sa lungsod kahapon, isa sa nabuko nilang lumabag sa nasabing patakaran ang mga Yuchengco o may-ari ng RCBC Tower sa Makati City na klasi-pikado bilang vertical economic zone ng PEZA pero nagpaupa sa kanilang gusali ng kompanya na sangkot sa online casino na ang permit ay mula sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

“Yun ang nangyari sa RCBC Tower for example sa Makati ini-allow nila ‘yung locator ng CEZA, sa ini-accredit ng PEZA na building, ang nangyari sa RCBC, andoon ‘yung BPOs namin, vertical eco zone, naglagay sila ng online gambling. They thought CEZA is under PEZA, so nag-rent ngayon ‘yung locator ng CEZA na online gambling pala. Wala ‘yun sa aming mandate, ‘yung mga casino, PAGCOR ‘yun. Ipinatawag ko ‘yung may-ari ng RCBC, ‘yung lahat ng BPO, ‘yung legal na BPO, sinabi ko sa kanila, ilagay ninyo sa door ninyo ang inyong PEZA accreditation, so lahat, all other occupants of that building,” ani Plaza.

Binigyan-diin ni Plaza, gaya ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, walang napapala ang gobyerno sa operas-yon ng online gambling sa bansa dahil ang isinusugal na pera ay sa ibang bansa napupunta at hindi sa Filipinas.

“Yung betting nila wala sa atin, sa abroad nila inilalagay ang pera, wala tayong tax na nakukuha. ‘Yun ang ano ni presidente,” dagdag niya.

Noong Setyembre 2015 ay napaulat na sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and detection Group (CIDG) ang Xing Qi Ba online casino  na pagmamay-ari ni Wong sa RCBC Bldg., sa Ayala at Buendia Avenues, Makati City.

Matatandaan,  nabulgar din ang koneksiyon ni Wong at ng RCBC sa kontrobersiyal na $81-M money laundering case o ang ilegal na paglilipat sa account ng anim na Filipino sa RCBC Jupiter branch mula sa Bangladesh Bank na i-dedeposito sana sa Federal Reserve Bank sa New Yok noong Pebrero 2016.

Sa imbestigasyon sa Senado, itinuro ni RCBC bank manager Maya Deguito si online gambling operator Kim Wong na nakabase sa CEZA, bilang utak ng nasabing krimen.

Si Wong ay may-ari ng Eastern Hawaii Casino na nag-o-operate sa CEZA at kilalang nasa likod ng malalaking gambling o-perations sa bansa.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *