DAVAO CITY – Naka-handa ang mga awtoridad sa siyudad sa posibilidad na maglunsad ng “diversionary action” ang ilang teroristang grupo na nasa labas ng lungsod gaya ng Cotabato, sa pagbisita ni Japanese Prime Mi-nister Shnizo Abe at maybahay niyang si Aki.
Sinabi ni Davao City Police chief, Senior Supt. Maichael John Dubria, nakataas sa terror alert level 3 ang lungsod at lahat ng hakbang para maging ligtas at ma-tagumpay ang Abe visit ay ginagawa ng may 21 ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng Presidential Security Group (PSG).
Ani Dubria, mula pa nang maganap ang pagsabog sa Davao City noong 2 Setyembre 2016 na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng 70, ay nasa heightened alert status na ang buong lungsod.
Nariyan aniya ang fixed checkpoint na nakalatag sa iba’t ibang estratehikong lugar at nakakalat ang plainclothes military at police intelligence operatives.
Nakatutok ang Public Safety and Security Command (PPSC) sa mga pangunahing lansangan ng Metro Davao partikular sa mga lugar na daraan ang lider ng Japan at delegasyon, ayon kay retired B/Gen. Benito de Leon.
Magkasamang haharap sina Pangulong Duterte at Abe sa mga negosyante sa lungsod nga-yong umaga at si Mrs. Abe at iba pang delegado ay bibisitahin ang Mintal cemetery sa Brgy. Mintal, itinuring na Little Tokyo ng Prewar Philippines.
Nakahimlay sa Min-tal cemetery ang ilang Japanese veterans, pamil-ya at kamag-anak.
Tinawag na Mintal ang nasabing libingan bilang pagkilala sa kasaysayan at kultura ng dalawang bansa.
Nagmula ang Mintal sa pinagsamang pa-ngalan ng dating indigenoues tribe leader na si Datu Intal at Japanese leader na si Mishiro
Si Abe ang ikawalong lider ng Japan na bumisita sa bansa.
Ito ang ikatlong pagkakataon na bumisita si Abe sa Filipinas.
Una noong December 2006 ASEAN summit na kinailangan niyang bumalik sa Tokyo nang makansela ang summit dahil sa bagyong Seniang.
Bumalik siya sa Cebu noong Enero 2007 para sa pagpapatuloy ng ASEAN summit .
Habang si Hideki Tojo ang unang prime minister na bumisita sa Filipinas noong 6 Mayo, 1943 o sa panahon ng kanilang pananakop sa bansa.
(ROSE NOVENARIO)
Tiniyak ng PNP
NO TERROR THREAT
VS JAPANESE PM
VISIT SA DAVAO
DAVAO CITY — Walang na-monitor ang counter-terrorism experts na kahit anong terror threats kasabay sa pagbisita ni Japan Prime Minister Shinzo Abe at sa launching ng ASEAN 2017 Philippine chairmanship.
Ayon kay S/Insp. Catherine dela Rey, tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO), naka-deploy na ang lahat ng kanilang units upang ma-secure ang historic visit ni Abe at ang opening ng ASEAN 2017 sa 15 ng Enero sa SMX Convention Center, sa Lanang sa lungsod.
Dagdag niya, walang nakikita ang mga awtoridad na kahit anong indikasyon ng posibleng terror attacks.