Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Asiong Salonga’ tumiklop kay ‘The Punisher’ (Sa ‘heart-to-heart talk’ sa mayors)

011317_FRONT
TUMIKLOP si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada a.k.a. Asiong Salonga kay Pangulong Rodrigo Duterte a.k.a. The Punisher nang maglitanya nang mahigit kalaha-ting oras ang Punong Ehekutibo laban sa illegal drugs sa harap ng 1,400 al-kalde kamakalawa ng gabi sa Palasyo.

Sinabi ng source na kasama sa controversial at confidential meeting ni Pangulong Duterte sa mga mayor, walang kibo si Erap nang bigyan-diin ni Duterte ang ngit-ngit sa pagkakasangkot ng ilang lokal na opisyal sa operasyon ng illegal drugs.

Duda ng source, posibleng nagpasya si Erap na huwag nang humirit at baka mapagdiskitahan pa siya ni Duterte lalo na’t nagalit nang todo ang Pangulo nang makompiska ang P6-bilyong halaga ng shabu ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa isang shabu laboratory sa San Juan City noong 23 Disyembre.

Gusto ng Pangulo na pagbabarilin na lang ang mga suspek na nadakip sa nasabing raid na karamiha’y Chinese.

Mahigit apat dekada nang hawak ng pamilya Estrada ang poder sa San Juan City.

Napaulat na pinagbantaan ni Pangulong Duterte ang mga alkalde na sabit sa illegal drugs na magbagong buhay o kaya’y magbitiw sa puwesto kung ayaw nilang mamatay.

Ngunit ayon kay Communications Secretary Martin Andanar “heart-to-heart talk” ang naganap na pulong ni Duterte at mga alkalde.

“Heart-to-heart talk. Wala pong napag-usapan na mga tit-for-tat, wala hong ganyan. Si President Digong ho ay he is very straight and very straight forward when it comes to talking to people, lalo na iyong mga official. So iyong pinakapinag-usapan ho riyan — of course, we are getting varied reports from different mayors also who were connected to the media. Pero ang ano ko na lang po…take is that I’ll ask the Presidential Spokesperson to give us an official statement,” ani Andanar.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Abella kaugnay sa isyu.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …