Saturday , November 16 2024
dead gun police

Fiscal sa kyusi utas sa ambush

PATAY noon din ang isang piskal ng Quezon City Prosecutor’s Office makaraang pagbabarilin ng hinihinalang hired killer sa harap ng isang bar sa Brgy. Old Balara, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Chief  Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, Quezon City Police District (QCPD) director,  si Prosecutor Noel Mingoa ay namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa kalibre .45.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dakong 1:30 am nang maganap ang insidente sa harap ng isang bar sa Commonwealth Avenue, Brgy. Old balara.

Napag-alaman, habang may kausap ang fiscal sa cellphone nang huminto ang isang itim na kotse. Bumaba mula rito ang isang lalaki at pinagbabaril ang biktima.

Pagkaraan, muling sumakay ang suspek sa kotse at mabilis na tumakas.

Ayon kay Eleazar, isasailalim sa pagsisiyat ang cellphone ng biktima para matukoy kung sino ang kausap ni Mingoa nang maganap ang krimen.

Sisiyasatin din kung may kinalaman sa trabaho ang pagpaslang sa fiscal lalo na ang mga kasong hawak niya bilang isang prosecutor.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *