KUNG hindi lang labag sa batas at malaking eskandalo sa international community, gusto sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ng genocide o malawakang pagpatay sa drug addicts sa Filipinas.
Sa kanyang talumpati sa mass oath taking ng bagong presidential appointees kahapon sa Palasyo, hindi na naman naikubli ni Pangulong Duterte ang ngitngit sa mga drug addict dahil sayang aniya ang isang bilyong piso na ginagastos para gamutin ang mga sugapa imbes na ibili ng pagkain para sa mahihirap.
Noong nakaraang buwan, inilaan ni Pangulong Duterte ang isang bilyong piso mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) para pambili ng maintenance medicines para sa community-based treatment ng drug dependents.
“Then kita mo the irony of life, nag-release ako ng another one billion sa mga p***inang mga durugista na ito. Kasi the community-based treatment or rehab there, whatever is going on there, wala silang pera pambili ng medisina. So just imagine, one billion which could have been used for something like feeding the hungry, na napunta sa mga ulol. Hindi ko naman… gusto kong pata-yin lahat, e kaya lang magkakaroon tayo ng eskandalo. So I had to subsidize also the… e Filipino e,” aniya.
Ngayon aniya, alam na ng mga sugapa sa droga na may mabuting layunin ang gobyerno na iligtas sila sa masamang bisyo, naghahanap na lang ng kamatayan ang magbabalik pa sa paggamit ng illegal drugs.
“Ang sabi ko, ngayon pero kung magpatuloy ito —itong mga ‘to, nakita na nila, they have the… a good idea of how it evolved. Makita na nila kung papaano. Now nga-yon kung papasok pa sila riyan, naghahanap talaga sila ng kamatayan,” dagdag niya.
Hinamon niya ang human rights advocates na kung nais matigil ang patayan bunsod ng drug war ay puntahan nila ang mga sangkot sa shabu industry at kombinsihin na itigil ang ilegal na gawain.
Tiniyak ng Pangulo na mananaig ang mistulang langit na kapayapaan sa bansa kapag nagtagumpay aniya ang human rights advocates na himukin sila na magbagong buhay.
“Tapos itong human rights, do you want the killings stop immediately tomorrow? Puntahan mo iyan sila, drop… just drop the shabu. Turn your back and walk away from the shabu industy, and tomorrow it will be heavenly peace. Wala nang bababa tayo riyan. Iyan lang deal ko,” hamon ng Pa-ngulo.
ni ROSE NOVENARIO