PATAY ang dalawang hinihinalang mga drug pusher habang nakatakas ang drug supplier sa buy-bust ope-ration ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Holy Spirit ng nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Supt. Lito E. Patay, hepe ng Batasan Police Station 6, ang napatay ay kinilalang sina alyas Tonton at alyas Bok, kapwa nakatira sa bahay ng kanilang supplier na si Arthur Cruz alyas Abo, 54, taga-AFP Road, Veterans Village, Brgy. Holy Spirit ng lungsod.
Sina Tonton at Bok ay hindi na umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center (EAMC) dahil sa tama ng bala sa kanilang katawan. Habang sa kalagitnaan ng barilan ay nakatakas si Cruz.
(ALMAR DANGUILAN)