ONLINE na ang bentahan ng shabu at nadagdag na ito sa call center industry sa Filipinas.
Ito ang nabatid makaraan masabat nang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Immigration (BI) ang da-lawang kilong hinhinalang shabu sa isang condominium unit sa Parañaque kahapon.
Ayon kay Derrick Carreon, spokesman ng PDEA, nadakip sa nasa-bing operasyon ang 26 katao, 25 Chinese nationals, 13 ay babae at 12 ang lalaki, at isa ay Filipino, sa isang unit sa Bayview Tower, Roxas Blvd, Parañaque City.
Habang isinusulat ang balita ay hindi pa tukoy ang pangalan ng mga suspek, ani Carreon ay nagsilbing call center agents para tumanggap ng tawag sa mga bibili at delivery ng shabu.
Matatandaan, ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte, bago siya umupo sa Palasyo ay nasa bansa pa ang mga big fish o ang drug lords.
Nang malaman aniya ng mga drug lord na nagkakapatayan na ay agaran silang umalis sa bansa at nag-o-operate na lang sa labas ng Filipinas sa pamamagitan ng kanilang mga tauhan.
Ngunit dahil sa mo-dern technology aniya ay nagagawa ng drug lords na magmando ng kanilang operasyon dito sa bansa kahit sila ay malalayo.
“Walang big fish dito. Kasi ‘yung noon meron. Pero when they… because they have this mansions and cars, enjoying life. But when they realize that killing time was coming, nagsibatan na. Now, they are using modern technology. They have this high, refined digital map. He will give the orders to his lieutenants here. Sabihin lang niya, itong sa mapa tingnan niya.
“O i-focus mo sa Tondo, o Pandacan, o dito. I-drop ninyo diyan banda sa… tapos ‘yung pera kunin mo, may naka-parking doon. May babae kunin mo lang ‘yung ba-yad,” sabi ng Pangulo.
ni ROSE NOVENARIO