Friday , November 15 2024
dead gun police

2 akyat bahay, utas sa shootout

PATAY ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaking hinihinalang mga akyat-bahay makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District–District Special Operation Unity (QCPD-DSOU) kahapon ng ma-daling araw sa Brgy. North Fairview, Quezon City.

Sa ulat kay C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pa rin kinikilala ng DSOU na pinamumunuan ni Supt. Rogarth Campo, ang da-lawang suspek na kapwa inilarawan nasa edad 30-35-anyos, may taas na 5’7″, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng T-shirt at short pants.

Ayon kay Supt. Campo, dakong 1:30 am nakatanggap sila ng tawag mula kay Nicanor Mucal, may-ari ng Enjel water refilling station and carwash sa B52, L1, Bristol Street, corner Bronson Street, Brgy. North Fairview, na kasalukuyang pinagnanakawan ng da-lawang suspek ang kanyang establisimiyento base sa sumbong ng kanyang stay-in worker.

Agad pinaresponde ni Supt. Campo ang kanyang mga tauhan sa pa-ngunguna ni SPO2 Carlito Mangaoang ngunit lumaban ang mga suspek sa mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *