Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, gandang-ganda sa boses ni Vice Ganda

SA nakaraang solo presscon ni Ogie Alcasid bilang isa sa hurado ng Your Face Sounds Familiar Kids Edition ay nabanggit niyang gusto niyang igawa ng kanta siVice Ganda dahil narinig niyang maganda ang boses nito sa Christmas Special ngABS-CBN na naunang tineyp at noong Sabado’t Linggo naman ipinalabas.

Maganda raw ang timbre ng boses ni Vice kaya talagang ipinu-push nitong karerin ang pagkanta.

Oo nga, napanood din namin ang sinasabi ni Ogie at nagulat kami kasi seryoso ‘yung solong production number ni Vice.  Bagay naman pala sa kanya ang seryosong kanta.

Kuwento ni Ogie noong nag-usap sila ni Vice sa dressing room ng Smart Araneta Coliseum.

“Kasi noong kumakanta kami, sabi ko, ‘Alam mo, ginalingan mo ‘yung pagkanta mo. Magaling ka talaga, eh. Dapat mayroon kang isang solid na ballad na may hugot.’

“I really told him that. Ang sabi niya sa’kin, ‘Hindi naman ako sineseryoso ng mga tao. Gusto nila ‘yung mga joke-joke.’ Sabi ko, ‘Subukan mo lang kasi singer ka, eh.’

“Hindi ko alam kung nakikinig siya sa’kin ‘noon. But I would love to write him a song.”

Bukod sa gustong igawa ng kanta ni Ogie si Vice ay gusto rin niyang makatrabaho ang Unkabogable Phenomenal Star sa pelikula o sa show.

Nasambit pa ni Ogie da Pogi na gusto pa niyang kilalanin nang husto si Vice dahil pakiramdam niya ay mabait ang TV host/actor/singer.

“Hindi naman din kasi kami nagkaroon ng maraming oras para makilala ang isa’t isa but it’s just that every time na nakakasama ko siya sa trabaho, rati nag-guest siya sa concert namin and then nag-guest ako sa ‘Gandang Gabi Vice’, there was this na hindi ko maintindihan, mutual respect.

“Siguro dahil singer din siya at comedian din so nagkaroon kami ng intindihan na nagkakaroon kami ng rapport,” pahayag ni Ogie.

Samantala, nagkikitang madalas naman sina Vice at Ogie sa It’s Showtime dahil isa ang huli sa celebrity judge ng Tawag Ng Tanghalan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …