Saturday , November 16 2024

10 nasaktan sa pumalyang escalator ng MRT 3

SAMPUNG pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ang nasaktan dahil sa pagkasira ng escalator sa Taft Avenue Station sa Pasay City kahapon ng umaga.

Ayon kay MRT-3 General Manager Deo Manalo, dakong 9:45 am nang biglang huminto ang andar ng isang escalator sa na-sabing estasyon.

Sinabi ni Manalo, pawang minor injuries lang ang naranasan ng mga biktimang hindi na binanggit ang pangalan, kabilang ang dalawang napilayan sa kamay, pawang pinauwi na makaraan lapatan ng lunas.

Sa post sa twitter account ng DoTC-MRT-3, sinabing tinulungan ng medical personnel ang mga pasaherong nasaktan sa insidente.

Giit ni Manalo, hindi  sila nagkulang sa pangangasiwa ng MRT dahil nasa ilalim ng rehabilitasyon ang ilan sa mga elevator at escalator ng na-sabing mass transport na inaasahang matatapos sa Enero o Pebrero, 2017.

Masusing inaalam ng pamunuan ng MRT-3 ang sanhi ng pagpalya ng escalator.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *