Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

11 Chinese kinasuhan sa online gambling

SINAMPAHAN ng kasong illegal gambling/online betting sa Makati City Prosecutor’s Office ang 11 Chinese national na naaresto sa pagsalakay kamakailan ng mga tauhan ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium ng lungsod.

Ang mga suspek na nakapiit sa detention cell ng RPIOU ay kinilalang sina Chen Jinying, 25; Huang Liangfa, 21; Wu Bingsheng, 23; Lin Huadong, 26; Zhou Shengjian, 38; Wu Wenjie, 24; Lin Yuanqing, 17; Lin Changhui, 17; Zheng Zhimou, 27; Chen Jingwei, 21 at Xu Wei, pawang tubong Fujian, China.

Base sa ulat ng NCRPO, naaresto ang mga suspek sa pagsalakay ng RPIOU personnel sa isang hinihinalang illegal online gambling sa Unit 507, 5th floor at Unit 1211, 12th floor ng Makati Cinema Square Tower Condominium sa 1299 Chino Roces Avenue (dating Pasong Tamo), Brgy. Pio Del Pilar ng siyudad, parehong inuukupahan ni Xu Wei, isa ring Chinese national, at dalawang hindi pa nakilalang indibidwal dakong 7:08 pm.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …