PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Mega Rehabilitation Center sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Kasunod ito ng ipinatupad na Oplan Tokhang ng PNP na bahagi ng kampanya kontra ilegal droga ng Duterte administration.
Ang 10-ektaryang mega facility ay may kapasidad na 10,000 drug dependents na nauna nang sumuko sa pamahalaang Duterte.
Ang tinaguriang Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) ay isa sa hakbang ng gobyerno para tuluyang mahinto ang operasyon ng ilegal na droga.
Ang Fort Magsaysay ay isa lamang sa mga natukoy na kampo ng AFP na maaaring pagtayuan ng rehabilitation center.
Ang pondong ginamit sa pagtatayo ng mega rehab ay ipnagkaloob ng Chinese billionaire na si Huang Rulun.
( ROSE NOVENARIO )