PATULOY ang pag-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kalagayan ng mga Filipino sa Japan makaraan tamaan nang malakas na lindol kahapon ng madaling araw.
Ayon kay DFA spokesman Assistant Secretary Charles Jose, wala silang natatanggap na impormasyon na may Filipino na nasaktan sa nasabing pagyanig.
Una rito, sinabi ng Japan Meteorological Agency, umabot sa 7.4 magnitude ang lindol na tumama kahapon na ang sentro ay sa Fukushima prefecture.
Nagdulot ito nang paglilikas ng mamamayan lalo na ang malapit sa dagat dahil sa pangamba sa tsunami. ( JAJA GARCIA )