Monday , December 23 2024

Scarborough Shoal idedeklarang marine protected area

LIMA, Peru – IDEDEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang marine protected area ang Scarborough o Panatag Shoal sa Zambales.

Inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ipinabatid ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang paglalabas ng isang executive order na magtatakda sa lagoon ng Scarborough Shoal bilang marine protected area alinsunod sa nakasaad sa Republic Act 7586 o National Integrated Protected Areas Systems (NIPAS) Law.

“We will mobilize government forces to promote our agreements , step up guidance  to create a favorable environment,” tugon aniya ni Xi kay Pangulong Duterte hinggil sa isyu.

Pag-uusapan aniya ng security cluster ng gabinete ang pagbabalangkas ng EO sa kanilang pulong ngayong linggo.

Ani Esperon, posible rin ideklara na marine protected area ang Ayungin Shoal sa bahagi ng Palawan.

Ang Scarborough at Ayungin Shoals ay parehong i-naangking teritoryo ng China sa South China Sea at tinayuan na ng mga istruktura.

Ipinagmalaki ni Esperon, itinuturing ng administras-yong Duterte na hindi na umiiral ang militarisasyon sa Scarborough Shoal dahil barko ng coast guard na lang ng China at Filipinas ang nagpapatrolya sa nasabing erya at hindi na mga barko mula sa navy.

“There will be more coast guard to coast guard relations in areas like Scarborough and of course, in other areas of the South China Sea, West Philippine Sea. If you do that, more of coast guard – that means  that simply means that there is a degree of demilitarization in the area. Because coast guard is a civilian, We call the white ships going there . Compared to gray ships going to Scarborough,” aniya.

May nagpunta na aniyang opisyal ng China sa Zambales upang sanayin ang mga mamamalakayang Filipino sa makabagong paraan ng pangi-ngisda.

“Ito mabilis, Nagulat nga ako, parang tingin ko uy may nakapasok a. Hindi na gano’n ang iniisip ko. Hindi na – iba na ang tingin e. Nagpaalam pa sila sa ibang agency arranged nga ‘yun,” ani Esperon.

Nauna rito’y nakapangi-ngisda na muli ang Filipino fishermen sa Scarborough Shoal nang hindi itinataboy ng mga Tsino mula nang magpunta sa China si Pangulong Duterte para sa isang state visit.

Magugunitang sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA), nakasaad na sakop ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng Filipinas ang Scarborough Shoal.

Tiniyak ni Pangulong Duterte na ipatutupad ng bansa ang naturang PCA ruling ngunit hindi pa sa ngayon.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *