Saturday , November 16 2024

Putin, Xi BFF na ni Digong

LIMA,Peru – IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte, napakainit nang pagharap sa kanya ni Russian President Vladimir Putin at apat beses na ipinaalala sa kanya ang paanyayang bumisita siya sa Russia.

Sa press conference sa Melia Hotel, sinabi ng Pangulo, parang matagal na silang magkaibigan nina Putin at ni Chinese President Xi Jin Ping at naramdaman niya ito sa pagtapik sa kanyang kamay at mahigpit na handshake.

“You know we have become fast friends si President Putin pati si President Xi Jinping. Mukhang parang magkakilala na kami nang matagal and even the way we pat each other’s hand in a handshake. And then pagkatapos I shook his hands again and I finally said I go ahead. Tapos nagsenyas siya na, ‘don’t forget to visit Russia.’” ayon sa Pangulo.

“So he has said it… He has extended the gracious invitaion maybe about four times already. And maybe I will go. Maybe I shall…What’s the write word? Shall or will — I shall go someday,” dagdag niya.

Ngunit kailangan hindi panahon ng winter bumisita ang Pangulo sa Russia dahil aminado siya na hindi niya kaya ang masyadong malamig na panahon.

“But not on a wintry night. I can’t stand cold. Mahirap talaga akong mag-adjust sa cold. Maybe I cannot…I cannot do something productive or worthwhile there. I am not… I am not up to it, cold, mahihirapan ako,” sabi niya.

Kinausap din aniya siya ni Vietnam Prime Minister NguyÅn Xuân Phúc para magpasalamat sa pagpapàuwi niya sa mga mangingisdang Vietnamese na hinuli at ikinulong sa bansa dahil sa illegal fishing.

“And you know, I didn’t realize then when were — before we were seated. I was talking with the, I think, the Premier of South of Viet Nam. They were thanking me for the sailors that we sent home. Those fisherfolk na nahuli. Nag-usap kami,” anang Pangulo.

( ROSE NOVENARIO )

DUTERTE, PUTIN NAGBAHAGI NG SENTIMYENTO KONTRA US

LIMA,Peru – NAUUNAWAAN ni Russian President Vladimir Putin ang mga sentimyento ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sa press conference sa Malia Hotel, inihayag ni Putin, pareho sila ni Duterte sa paglalagom sa karakter ng Amerika.

“We share your sentiments. Our assessments coincide in many respects,” tugon aniya ni Putin nang ilitanya sa kanya ni Duterte ang mga atraso sa Filipinas ni Uncle Sam sa kanilang bila-teral meeting kamakalawa.

Kabilang sa mga isinumbong ni Duterte kamakalawa kay Putin ang pagkaladkad ng Amerika sa Filipinas sa kanilang mga digmaan sa Korea, Vietnam, Afghanistan, at Iraq.

Ngunit nang umalis aniya ang Filipinas sa Coalition of the Willing noong dinigma ng US ang Iraq sa prenteng nagtatago ng weapons of mass destruction ni Saddam Hussein pero hindi naman, pinahirapan ng Amerika ang bansa hanggang sa ngayon.

Ayon kaya Esperon, tinanggap ni Duterte ang imbitasyon ni Putin na bumisita sa Russia at tutungo sa nasabing bansa sina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa su-sunod na buwan upang plantsahin ang state visit ng Pangulo.

Habang ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, aabot sa $2.5 bil-yon mula sa $80 milyon ang halaga nang aangka-ting produkto ng Russia mula sa Filipinas na karamiha’y prutas, partikular ang saging.

Tutulong aniya ang Russia sa infrastructure projects gaya ng modernization ng railway system, gayondin sa turismo at sektor ng enerhiya.

( ROSE NOVENARIO )

JET LAG SINISI NI DUTERTE SA PAGLIBAN SA GALA DINNER

LIMA,Peru – PINUYAT ng jet lag si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakadalo sa gala dinner ng APEC leaders kamakalawa ng gabi, at sa retreat at ‘family photo’ nila sa pagtatapos ng summit kahapon.

Sa press conference sa Melia Hotel kagabi bago bumalik sa bansa, sinabi ng Pangulo, inatasan niya si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., na maging kinatawan niya sa mga naturang pagtitipon para siya ay makapagpahinga.

“Jet lag. Talagang hindi naman ano but lightheaded because exactly at that time that’s my sleeping time back home in the Philippines,” aniya.

Hindi aniya maganda na makita siyang napapapikit sa antok habang dumadalo sa pagtitipon sa APEC kaharap ang ibang kapwa niya leader.

“Sabi ko it’s not good to be somebody ‘yung mga greats ng convention tapos ako nakapikit ang mata. Sabi ko mag-uwi na lang muna ako. Hindi rin ako nakatulog. Pero talagang inantok ako jet lag, simply,” dagdag niya.

Ngunit “productive and informative” aniya ang karanasan niya sa unang pagdalo sa APEC at inaasahan niyang makatutulong ito sa kanyang administrasyon.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *