Saturday , November 16 2024

Duterte, Putin nagbahagi ng sentimyento kontra US

LIMA,Peru – NAUUNAWAAN ni Russian President Vladimir Putin ang mga sentimyento ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sa press conference sa Malia Hotel, inihayag ni Putin, pareho sila ni Duterte sa paglalagom sa karakter ng Amerika.

“We share your sentiments. Our assessments coincide in many respects,” tugon aniya ni Putin nang ilitanya sa kanya ni Duterte ang mga atraso sa Filipinas ni Uncle Sam sa kanilang bila-teral meeting kamakalawa.

Kabilang sa mga isinumbong ni Duterte kamakalawa kay Putin ang pagkaladkad ng Amerika sa Filipinas sa kanilang mga digmaan sa Korea, Vietnam, Afghanistan, at Iraq.

Ngunit nang umalis aniya ang Filipinas sa Coalition of the Willing noong dinigma ng US ang Iraq sa prenteng nagtatago ng weapons of mass destruction ni Saddam Hussein pero hindi naman, pinahirapan ng Amerika ang bansa hanggang sa ngayon.

Ayon kaya Esperon, tinanggap ni Duterte ang imbitasyon ni Putin na bumisita sa Russia at tutungo sa nasabing bansa sina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa su-sunod na buwan upang plantsahin ang state visit ng Pangulo.

Habang ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, aabot sa $2.5 bil-yon mula sa $80 milyon ang halaga nang aangka-ting produkto ng Russia mula sa Filipinas na karamiha’y prutas, partikular ang saging.

Tutulong aniya ang Russia sa infrastructure projects gaya ng modernization ng railway system, gayondin sa turismo at sektor ng enerhiya.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *