Saturday , November 16 2024

Digong sa ERC officials: Resign all

LIMA, Peru – PINAGBIBITIW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) makaraan ang report ng korupsiyon sa naturang ahensiya.

Kasunod ito ng ulat na nagpakamatay ang chairman ng Bids and Awards Committee, Francisco Villa Jr., dahil sa sinasabing panggigi-pit ng kanyang superiors na lumagda sa maano-malyang kontrata.

“I am demanding that they all resign. If they want to spare the humiliation of sitting there without the money, they resign and I will reorganize or rename…Silang lahat they have to resign,” pahayag ng Pangulo sa press briefing sa Melia Hotel bago umuwi ng bansa mula sa pagdalo sa 24th APEC Summit.

Bagama’t walang binanggit na pangalan, nais ng pangulo na agad sampahan ng kaso ang mga pinagbibitiw sa puwesto.

Hihilingin din ng Pa-ngulo sa Kongreso na i-disband ang ERC para sa pagpapatupad ng reorganization .

“They must resign. I have options: file a case against them all or demand that no money will be appropriated,” aniya.

Aminado ang pangulo na marami na siyang natatanggap na sumbong at kabilang dito ang pagkakaroon ng napakaraming consultants.

Giit ng Pangulo , hindi niya pahihintulutan ang ano mang uri ng anomalya sa kanyang pamunuan.

Nakatakdang magkaroon ng programa ang Pangulo sa PTV-4 na magsisilbing sumbu-ngan ng bayan.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *