Monday , December 23 2024

Panggigipit ng US sa PH isinumbong ni Digong kay Putin (APEC gala dinner ‘di sinipot ni Digong)

LIMA, Peru – ISINUMBONG ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin ang agrabyadong kalagayan ng Filipinas sa pakikipag-ugnayan sa Amerika at pagkaladkad sa Filipinas sa mga inilunsad na digmaan ni Uncle Sam sa ibang mga bansa.

Hindi naikubli ang kagalakan ni Duterte sa unang paghaharap nila ni Putin na itinuturing niyang idolo at kakampi sa bilateral meeting nila kahapon sa sideline ng APEC Summit sa Swisso Hotel.

Inihalintulad ni Putin ang tagumpay ni Pangulong Duterte sa halalan noong nakalipas na May 9 sa pagwawagi ng kanyang bansa mula sa Nazi Germany noong May 9, 1945 sa World War II.

“Mr. President, in the presidential election in your country was held on the 9th of May for us it is indeed a very bright day, public holiday that marks the victory in the great patriotic war over the Nazis group. For you, it has been your personal victory so once again congratulations, Mr. President,” ani Putin kay Duterte.

Hindi man direktang sinabi, lumalabas na “liberation” ng mga Filipino mula sa imperyalistang US ang pagkapanalo ni Duterte dahil sa kontra-Amerikang paninindigan ni Duterte.

Pinuri ni Putin ang maraming nagawa ni Duterte sa loob ng maikling panahon sa poder upang maayos at mapaunlad ang 40-taong relasyon ng Filipinas at Russia.

“Well, you have been able to do a lot in a short period of time in terms of developing the all round  partnership between our countries and with respect to promoting greater trust and confidence between us. And it is my pleasure to have a chance to speak to you and your colleagues about developing our bilaterals,” aniya.

Ikinuwento ni Duterte kay Putin ang aniya’y agrabyadong sitwasyon ng Filipinas sa relasyong PH-US dahil kinakaladkad ni Uncle Sam ang bansa sa pakikidigma sa mga bansang nais sakupin.

Inihalimbawa ng Pangulo ang giyera ng US sa Korea, Vietnam, Afghanistan at Iraq na sapilitang nagpapadala ng tropa ang Filipinas bilang kaalyadong bansa.

“They seem to start a war but are afraid to go to war. That is what’s wrong with America and the other.They were waging war in so many places in Vietnam, in Afghanistan and in Iraq. And for one single reason that there was a weapon of mass destruction and there was none. They insist if you are allied with them that they follow you,” ayon sa Pangulo kaugnay sa US.

Isinalaysay ni Pangulong Duterte ang panggigipit ng US sa Filipinas mula nang kumalas sa Coalition of the Willing o ang alyansa ng mga tropang militar ng iba’t ibang bansa na sumali sa giyera ng Amerika sa Iraq sa dahilan na nagkukubli ng “weapons of mass destruction” ngunit wala naman pala. Umalis aniya ang Filipinas sa koalisyon bilang kapalit sa pagpapalaya ng Iraqi rebels sa overseas Filipino worker na si Angelo dela Cruz.  Wala pang detalyeng ibinigay sa media hinggil sa tugon ni Putin sa anti-US sentiments ni Duterte.

( ROSE NOVENARIO )

APEC GALA DINNER ‘DI SINIPOT NI DIGONG

LIMA,Peru – HINDI dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gala dinner para sa leaders ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit kagabi. Ikinatuwiran ni Communications Secretary Martin Andanar,  hindi maganda ang pakiramdam ni Pangulong Duterte kaya si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., ang naging kinatawan niya sa naturang salo-salo.

Ang hapunan ay inihanda ni Peruvian President Pedro Pablo para sa 21 APEC leaders bilang host ng summit.

Nauna rito’y maghapon dumalo sa iba’t ibang aktibidad si Pangulong Duterte gaya ng bilateral meeting kay Chinese President X Jin Ping ng umaga at dakong tanghali ay kay Russian President Vladimir Putin siya nakipag-bilateral meeting.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *