CANDELARIA, Quezon – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang mag-asawang factory worker makaraan pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem suspects sa Maharlika Highway sakop ng Brgy. Masin Sur, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Atienza, 50, at Laura Atienza, kapwa mga residente ng Brgy. Palaragaran, Tiaong Quezon
Ayon kay Supt. Freddie Dantes, sakay ang mag-asawa sa kanilang motorsiklo dakong 5:30 am patu-ngo sa town proper nang sundan ng isang motorsiklong lulan ang dalawang suspek at sila ay pinagbabaril.
( RAFFY SARNATE )