Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Extortionist tiklo sa Sumbong ng Pedophile

A hypocrite is someone who conveniently forgets their faults to point out someone else’s.

— Anonymous

NABUSLO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang sinasabing extortionist na kumikil nang mahigit P700,000 mula sa isang Australian national sa pamamagitan ng internet.

Ayon kay NBI deputy director Atty. FERDINAND LAVIN, biniktima ng suspek na si MICHAEL GONZALES, 41, isang Australiano sa pamamagitan ng paggamit ng false identity sa internet para kaibiganin ang dayuhan at dahil nalamang isang bakla ito ay saka inalok ng mga larawang hubad ng mga kabataan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng NBI, kinuhaan ng larawan ni GONZALES ang complainant bago ini-edit para lumabas na nanonood ang Australiano ng child pornography. Kasunod nito’y tinakot ng suspek ang biktima na ilalabas sa internet ang nasabing mga larawan kung hindi siya padadalhan ng pera.

Sa pangambang totohanin ni Gonzales ang kanyang banta, nagpadala sa bank account ng isang PEARL RUBY GONZALES ang biktima sa iba’t ibang okasyon na umabot sa mahigit P600,000.

Hindi umano nakontento si GONZALES at makaraan ang ilang araw mula sa huling deposito sa banko, muling humingi ng halagang P106,000 sa biktimang dayuhan. Dito na minabuti ng Australiano na dumulog sa NBI para ipahuli ang suspek.

Noong Nobyembre 8, nakatanggap ng impormasyon ang NBI ukol sa transaksiyong isasagawa ng lumilitaw na kinakapatid ni GONZALES na si PEARL RUBY at sa pag-withdraw ng pera sa banko, doon inaresto ng in flagrante delicto ng mga tauhan ng NBI-CCD.

Sa kabila ng ebidensiya laban sa kanya, inamin ni GONZALES na tunay ngang tumanggap siya ng pera mula sa bikima pero dahil kasintahan niya umano ang Australiano. Sa kabilang dako, hindi maitanggi ng kampo ng complainant na isang pedophile ang dayuhan na maaaring dati nang bumibiktima ng mga kabataan sa pamamagitan ng internet.

Bigyang halaga ang EPCA

MAGANDANG balita ang naging pahayag ng China na handa nilang itaas ang alokasyon ng kanilang gobyerno sa scholarship para sa Filipinas sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Bukod pa rito handa rin ang China sa pagbibigay ng tulong sa pagbuo ng scientific research industrial system. Pareho rin nilang binigyan ng halaga ang pagpapatupad ng Executive Program of Cultural Agreement (EPCA). Layunin niyang hikayatin ang kanilang institusyon at mga mamamayan upang parehong tulungan ang sektor ng turismo.

Wala man kasiguraduhan ang pakikipag-tandem ng PH sa China malaki pa rin ang maaari nitong maiambag sa ekonomiya ng ating bansa, lalo kung maisasakatuparan ang lahat ng napagkasunduan. Sana ay maitaguyod at mapagsikapan ng parehong bansa ang kanilang responsibilidad at muling mapagtibay ang ugnayan sa isa’t isa nang maisakatuparan ang magandang hangarin at adhikain ng parehong partido. — Nikki R. Serrano ng Baguio ([email protected], Nobyembre 9, 2016)

Sana hindi ningas kugon lang

NAPAGKASUNDUAN ng China at Filipinas na pagtibayin ang relasyon sa isa’t isa. Respeto, sinseridad, pantay na pakinabang sa karagatan at maging ang kapayapaan na napapaloob sa China-Philippines bilateral relations ang tinalakay sa naging state visit ni Pangulong Rodrigo DUTERTE sa China. Tinalakay rin ang Foreign Ministry Consultation, Consular Consultation, Joint Commission on Economics at iba pang bilateral dialogue mechanism. Parehong panig ang nagkasundo sa mapayapang pagresolba sa pagsasaayos sa teritorial dispute.

Samakatuwid ang lahat ng pag-uusap na may kinalaman sa politika ay isinasaayos at binibigyang kasunduan ng magkabilang partido. Sana ito ay maipatupad, masunod ang napagkasunduan at maidaan sa tamang proseso ang lahat. Sana hindi ito isang ningas kugon lamang. — Ann R. Aquino ng Noveleta Cavite (isimplyneedyou19 @gmail.com, Nobyembre 9, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *