Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

QC minimal fair market value hindi dapat ikabahala (Kasing halaga ng one-month cellphone load)

KATUMBAS lamang ng isang buwang cellphone load ang halaga ng ipinanunukalang taas ng fair market value sa Lungsod Quezon, ito ang pahayag ni Atty. Sherry Gonzalvo, chief legal officer ng Office of the City Assessor.

“The proposed Quezon City tax hike won’t hurt property owners,” aniya.

Upang pawiin ang agam-agam na magiging dagdag pasanin ang panukalang rebisyon ng fair market value ng mga lupa at ari-arian, tiniyak ni Gonzalvo ang increased real-property tax ay magiging

minimal o katumbas ng halaga ng pagte-text sa loob ng isang buwan.

“We spend around P200 to P300 a month for texting and phone calls and that’s the average rate every property owner has to pay when we

implement the new schedule of fair market values,” aniya.

“Siguro, hindi naman po masyadong kabigatan dahil ang kapalit naman nito ay pag-unlad ng ating lungsod,” diin niya.

Inihantulad ni Gonzalvo na ang 100-square meter residential lot classified bilang Residential 4 (RA4) ay nagbabayad ng amilyar na P675 taon-taon base sa 18 percent assessment level at fair market value na

P150,000.

Sa ilalim ng panukala, ang fair market value ay tataas ng P800,000, ngunit ang assessment level ay bababa ng 5 percent, kung kaya’t ang isang property owner ay may annual real-estate rate na P1,000, o difference ng P325.

“Katumbas lang ng isang text message sa isang araw o isang kain sa Jollibee,” saad ni Gonzalvo.

“If we settled at 10 percent (assessment level), the real-property tax increase will be as much as P2,700, and that’s burdensome. Hindi po tayo magdadagdag ng tax na napakataas,” pahayag ni Gonzalvo.

( MON ESTABAYA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ramon Estabaya

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …