ARESTADO sa pulisya ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng matataas na kalibre ng baril at mga bala sa Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Oliver Halili, 44, empleyado, at kolektor ng mga baril at bala, residente sa Mulawin St., sa nasabing barangay.
Sa ulat kay Supt. Reniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police, sinalakay ng mga tauhan ng pulisya ang bahay ng suspek makaraan makompirmang nag-iingat ng mga baril at bala.
Bitbit ng pulisya ang search warrant na inisyu ni Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng Malolos City Regional Trial Court Branch 18, sinalakay ng mga pulis ang bahay ng suspek.
( MICKA BAUTISTA )