SA pag-amin na nakiapid sa kanyang driver-bodyguard ay maaaring mapatalsik bilang mambabatas, matanggalan ng lisensiya bilang abogado at makulong dahil sa illegal drugs case si Sen. Leila de Lima.
Ito ang pahayag kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo hinggil sa pag-amin ni De Lima kamakalawa na naging karelasyon niya ang dati niyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan na isang pamilyadong lalaki.
Giit ni Panelo, kinompirma ni De Lima ang mga akusasyon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na may illegal at immoral na relasyon kay Dayan na magbibigay daan para sampahan siya ng kasong adultery.
“The admission by De Lima on her romantic albeit illegal and moral liaison with her bodyguard-driver validates the accusation of PRRD’s that the senator committed unlawful and immoral acts and opens her to a criminal charge of adultery her lover being a married man,” ani Panelo.
Ang adultery o pakikiapid ay boluntaryong pagsiping sa isang taong hindi mo asawa ayon sa Article 333 sa Revised Penal Code at may parusang kulong mula dalawa hanggang anim na taon.
Pinatibay rin nang pag-amin ni De Lima ang illegal drugs case na isinampa laban sa kanya na may parusang habambuhay na pagkakulong.
“It strengthens the case filed against her on her involvement in the drug operations,” dagdag ni Panelo.
Upang maisalba ang Senado sa ibayo pang kahihiyan ay dapat nang magbitiw si De Lima.
“It opens her to expulsion proceedings in the Senate by the Senate Ethics Committee for immorality and grave misconduct in office apart from opening herself to a disbarment proceedings as a member of the bar for immorality and unethical conduct. To save the Senate from further embarrassment she must voluntarily resign,” ani Panelo.
Wala aniyang ibang puwedeng sisihin si De Lima sa kinasasadlakan na kahiya-hiyang sitwasyon kundi ang kanyang sarili.
“She has herself to blame for the present destructive predicament she is in,” dagdag niya.
Binigyan-diin ni Panelo, tinuldukan na ni De Lima ang mga pagkukunwari at pagpapanggap na inosente at biktima ng paninirang puri.
“With her aforesaid admission, President Duterte has been vindicated on his accusations against De Lima and put a lie to her pretended protestations of innocence and her cry of being a victim of persecution,” wika ni Panelo.
(ROSE NOVENARIO )
De Lima nanindigan
RELASYON KAY DAYAN
WALANG BATAS NA NILABAG
NANINDIGAN si Senadora Leila de Lima, wala siyang nalabag na batas at walang basehan para siya ay tanggalin bilang isang abogado kasunod nang kanyang pag-amin kamakalawa ng gabi ukol sa pagkakaroon ng relasyon sa kanyang driver/bodyguard na si Ronnie Dayan, dahil ito ay hinggil sa kanyang pribadong buhay.
Ayon kay De Lima, ang kanyang record bilang isang dating pinuno ng Commission on Human rights at kalihim ng Department of Justice ang siyang magsasabi kung anong pagkatao mayroon siya.
Iginiit ni De Lima, ang kanyang pag-amin sa kamakailan ng kanyang relasyon kay Dayan ay pribadong buhay niya.
Sinabi ni De Lima, ayaw niyang patulan pa ang ano mang isyu lalo na’t ang mga iniaakusa sa kanya ay pawang walang basehan at walang katotohanan kundi pawang fabricated. (NIÑO ACLAN)