GINAWARAN ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang action star at masugid na tagasuporta na si Robin Padilla.
Ayon sa source sa Palasyo, dahil sa absolute pardon ay naibalik na kay Padilla ang kanyang civil at political rights, o puwede na siyang bumoto at kumandidato sa alinmang puwesto sa gobyerno.
Si Padilla, convicted sa kasong illegal possession of firearms ay binigyan ng absolute pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1997 at nag-expire noong 2003.
Isa si Padilla sa 87 convicts na inirekomenda ng Board of Pardons and Parole (BPP) na bigyan ng presidential pardon.
Batay sa Article IV, Section 19 ng 1986 Constitution, may kapangyarihan ang Pangulo na gawaran ng pardon ang mga convicted criminal, maaaring “reprieve, absolute or conditional pardon.”
Ilang beses nang ibinasura ng Amerika ang US visa application ni Padilla alinsunod sa batas na hindi pinahihintulutang makapasok sa kanilang bansa ang isang convicted person.
Inaasahan ni Padilla na dahil sa hawak na absolute pardon ay makakapiling na niya ang misis na si Mariel Rodriguez na nanganak sa Amerika kamakailan.
ni ROSE NOVENARIO