BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki makaraan makipagbarilan sa mga pulis, habang apat hinihinalang tulak ng droga ang naaresto sa isinagawang “Oplan Galugad” sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Agad nalagutan ng hininga si Sandae Corsino, 24, residente ng 264 Marulas-A, Brgy. 36 ng lungsod.
Sa imbestigasyon nina PO3 Romel Bautista at PO2 Alvin Pascual, dakong 4:40 nang magsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa Marulas-A St., Brgy. 36, ngunit lumaban si Corsino na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Habang nadakip sina June Ignacio, 44; Elmer Consul, 34; Crispin Reyes, 21; Alfredo Ruiz Jr., 47-anyos.
( ROMMEL SALES )