Saturday , November 16 2024

Shabu lab/warehouse nadiskobre sa Pampanga

BULTONG mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng hinihinalang shabu ang kinompiska ng mga awtoridad kamakalawa ng umaga sa isang hinihinalang shabu lab/warehouse  sa Apalit, Pampanga.

Ayon sa ulat mula sa Camp Olivas, nadiskobre ni Sheriff lV Enrique Calaguas ng RTC 3, Branch 79, Ma-lolos, Bulacan, ang mga bultong sangkap ng hinihinalang shabu dakong 9:00 am nang isilbi ang “writ of execution” ng civil case pabor sa Feedmix Specialist sa abandonadong warehouse na pag-aari ng mag-asawang Ngan Yiu Ting alyas Robert Gan at Lolita Gan, at isang Raymond T. Gan, pawang Chinese nationals, kaya agad ini-report sa pulisya.

Habang kinontak ng Apalit Municipal Police Station ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang maproseso ang naturang mga kagamitan at sako-sakong hinihinalang mga sangkap.

Samantala, niutos ni PRO3 director, Chief Supt. Aaron Aquino ang masusing pag-iimbestiga sa natu-rang warehouse upang mapanagot ang mga suspek sa operasyon ng nabanggit na shabu lab.

( RAUL SUSCANO / LEONY AREVALO )

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *