AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na kaya maka-kaliwa ang paniniwalang politikal niya at maganda ang kanyang relasyon sa New People’s Army (NPA) ay bunsod nang pagi-ging tagasuporta ng kilusang komunista ng ina niyang si Soledad “Nanay Soling” Roa Duterte.
Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Pilipinong May Puso Foundation, Inc., kamakailan bilang paggunita kay Nanay Soling, inihayag ni Duterte, kaya madali niyang nahimok ang kilusang komunista na muling bumalik sa hapag ng usapang pangkapayapaan, dahil malapit ang kanyang ina sa mga rebelde. Naniniwala si Pangulong Duterte na kapag naghari ang kapayapaan ay uunlad ang bansa.
“Noong nag-Presidente ako, I promised you only three things but most of the time I would interject some statements about economic recovery something like that. But I know na kapag ang isang lugar magulo, maraming krimen, ‘di talaga aaakyat ‘yan,” aniya.
“When I became mayor at the crossroads of the revolution of EDSA at itong mga NPA ang relasyon ko sa NPA was really very good because of my mo-ther. She used to go to the mountains kilala niya lahat. And sometimes bumababa lalo na ‘yung mga madre na kung saan saan nanggaling, wala namang dormitoryo, mga NPA rin pala, they would go to the house for the night,” paliwanag ng Pa-ngulo.
Si Nanay Soling, isang da-ting guro ang namuno sa Yellow Friday Movement, isang kilusang kontra-Marcos sa Min-danao bago naganap ang People Power 1 Revolution.
Naging aktibo rin siya sa Soledad Duterte Foundation na nagturo ng livelihood at skills training sa indigenous people sa Marahan, Davao City.
Pumanaw si Nanay Soling sa edad na 95 noong Pebrero 4, 2012. “So ‘yung pamilya namin saka ‘yung dimension ko medyo left leaning ako in matters of the social dimensions of life. How you deal with the rich and the poor. How you would strive to at least not really equalize, make the other side more comfortable than the other kasi nandiyan na sa kanila ang lahat,” anang Pangulo.
Iginiit ni Pangulong Duterte, hindi siya komunista, maaaring soyalista pa dahil nasa ideological borders siya ng kanyang ina at amang dating sundalo, military mayor at gobernador.
“Dun ako, kaya ako, I was crossing the ideological borders. Something which was used against me during the first election in 1988 na ako, komunista. I am not communist. Maybe I am a socialist. My father was a military man, he became a military mayor, became a governor,” aniya.
Nang naging alkalde siya ng Davao City ay madali niyang napakiusapan ang NPA na lisanin ang siyudad kaya ang dating aktibong sparrow ay nawala sa lungsod.
“So ‘yung ganoon, madali kong kinausap ang left. Sabi ko, ako na ang mayor, I do not want a quarrel with you pero kung gusto ninyo, wala naman akong magawa. You know my work and you should know yours. So umalis po sa, ‘yung mga sparrow at NPA,” aniya.
( ROSE NOVENARIO )