Saturday , November 16 2024

PUV drivers prayoridad ni Duterte (Sa emergency powers)

PRAYORIDAD ng administrasyong Duterte ang pag-ayuda sa mga tsuper ng pampasaherong sasakyan kapag inaprubahan ng Kongreso ang inihihirit na emergency powers ng Palasyo para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maresolba ang ma-tinding problema sa trapiko.

Napag-alaman, idinetalye ng House Comission on Transportation ang ilan sa mga probisyon ng special powers na nakapaloob sa substitute bill na Traffic Crisis Act of 2016.

Pangunahing tututok ang emergency powers sa paglutas ng land traffic problems sa Metro Manila, Metro Cebu at Davao.

Nakapaloob dito ang pagbibigay ng tulong sa mga driver ng PUVs na maaaring maapektohan ng programa ng pamahalaan.

“We provided the following support mechanism to the drivers and employees of PUV’s, who will displaced by law enforcement and mass transport projects, like DSWD to help the affected workers through the conditional cash transfer program,” ayon kay Cong. Cesar Sarmiento.

Mababawasan din ang raket ng judiciary fixers dahil ipagbabawal sa lower courts na magpalabas ng TRO sa mga proyektong may kaugnayan sa trapiko.

“The judiciary can support in two instances, number 1, the prohibition against the issuance of TROs and preliminary injunctions by lower courts except the Supreme Court on priority projects programs and policies to implement, to address the traffic crisis,”  aniya.

Nauna nang tiniyak ni Duterte na transparent at hindi corrupt ang kanyang gobyerno.

Hinimok din niya ang publiko na pagtiisan ang mas matinding problema sa trapiko kapag nagsi-mula na ang lahat ng infra projects ng kanyang gobyerno.

Inaasahang lulusot ngayong linggo sa Kongreso ang hirit na emergency powers ni Duterte.

( ROSE NOVENARIO )

Babala ni Duterte
WRIT OF HABEAS CORPUS
POSIBLENG SUSPENDIHIN

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte, mapipilitan siyang suspendihin ang writ of habeas corpus kapag nagpa-tuloy ang ‘lawlessness’ sa bansa.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa isang talum-pati makaraan banggitin ang sinasabing rebelyon sa Mindanao partikular sa lumalalang pakikipaglaban ng mga tropa ng pa-mahalaan sa Maute group at ang paglaganap ng illegal drug operations sa buong kapuluan.

Magugunitang ang Maute group na naka-base sa Lanao del Sur ang sinisisi sa pagpapasabog sa Davao City night market noong Setyembre na ikinamatay ng 15 katao.

“There is a rebellion being waged down in Mindanao. At kung magkalat still itong lawlessness, I might be forced to… ayaw ko, ayaw ko, warning ko lang sa kanila ‘yan kasi hindi maganda. But if you force me to hand into it, I will declare the suspension of the writ of habeas corpus,” ani Duterte.

Ngunit inilinaw ng Pa-ngulo, hindi hahantong sa pagdedeklara ng Martial Law ang kanyang hakbang.

“Not martial law kasi wala akong balak sa politika kasi wala akong remedy.”

Nais lamang aniya niyang suspendihin ang writ of habeas corpus para tugisin ang mga responsable sa lawlessness.

“I will declare a suspension of the writ of habeas corpus, pik-apin ko ‘yan lahat. Dalhin ko sa Samar, butasin ko ‘yung Samar sa gitna para kasali na sila. Mamili sila,” dagdag ng Pangulo.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *