Friday , December 27 2024

CIDG: Pambato pa rin ba ng PNP sa imbestigasyon?

MAHIGIT anim dekada nang tinitingala at kilalang-kilala ang CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) ng PNP kung ang pag-uusapan rin lang ay imbestigasyon — kriminal man o kasong administratibo.

Noong ang CIDG ay bantog sa pangalang Criminal Investigation Service ng PC ng dekada 60, iniiwasan ng mga kriminal na ang mga ahente nito ay makabangga.  Hindi dahil sila ay mabalasik kundi dahil sila ay puspusang nagtatrabaho para lang ilagak sa husgado ang kasong kanilang pinagpuyatan at ikinasunog ng kilay laban sa isang pinaghihinalaang kriminal.

Sa madali’t sabi ang CIDG, mula’t sapol ang pambato ng hepe o top honcho ng PNP.  Panahong martial law nang una akong magtrabaho sa CIS pa noon. Circa 73 nang ma-assign ako sa Police Intelligence Branch sa ilalim ni Lt Col Ramon Montano (na makalipas ang ilang taon ay naging kauna-unahang Chief PC/INP).

Tuwing may malalaking kaso na idinudulog sa Chief PC na noo’y si Brig Gen Fidel Valdez Ramos, ang CIS ang nangungunang yunit na naaatasan upang tingnan at solbahin ang reklamo na kalimitan ay kidnapping-for-ransom, murder, bigtime bank robbery, large scale swindling, gun-for-hire, illegal drugs, carnapping at kung ano-ano pang inilalapit ng mga ahensiya ng gobyerno.

Matinik, mahuhusay at mapagkakatiwalaan ang CIS kapag sila’y pumapalaot sa mga probinsiya para imbestigahan si ganoon o ganitong politiko. Oo, mga politikong “untouchable” na ‘di masubukang imbestigahan ng ibang ahensiya, o lokal na pulis…

to say the least.

Ito ang nilisan kong yunit na hanggang retirado na ako ay siya ko pa ring itinuturing na pangalawang tahanan ko. Una, dahil sa loob halos 34 taon, ito lang ang gawi kong lakad araw-araw mula sa bahay tuloy sa trabaho at pangalawa, ito ang bread and butter ng aking pamilya at nakapag-aral ang mga anak ko dahil sa trabaho ko bilang civilian component ng pinagpipitaganang yunit na ito ng ating dating Hukbong Tagapamayapa ng Pilipinas (Philippine Constabulary).

Bilang chronicler at information officer noon sa CIS hanggang maging CISC, CIC, CIG at kahulihan e CIDG, ang kaalaman ko sa trabaho ko ay umabot sa kaalaman ko sa kabuuan ng mandato at dahilan kung bakit at paano ipinanganak ang yunit na ito. Naging Biblia ko na ang mga doktrina at best practices ng CIDG, dahil sa isang pagkakataon ay naging Chief din ako ng Special Studies and Doctrines Development nang si dating Supervising Investigation Agent Rosita Afurung Evangelista ay pumasok sa uniformed service ng PNP.

Huling pagkakataong nasa CIDG ako ay bilang consultant sa public information and public affairs sa loob nang halos walong taon pagkalipas ng retirement ko noong 2005 nang si PDir Arturo Lomibao (naging CPNP rin kalaunan) ang Director ng CIDG.

Kaya ko naisulat ito ay sapagkat mapait sa panlasa ko ang mga nababalitang ang mga CIDG men sa Leyte ay naiipit ngayon sa usaping Espinosa killing sa loob ng kanyang selda kamakailan lang.  Ang mga komentong nababasa at naririnig ko sa pahayagan, radyo at telebisyon ay ‘di ko matanggap dahil ang puso at damdamin ko’y sa CIS o CIDG pa rin.

Ngayon na ang kaso ay tinunghayan na ni PDG Ronald dela Rosa at inatasan sina PSSupt Ramon Rafael na DDO ng CIDG at ang batikan na multi-awarded season investigator na si Atty. Virgilio Pablico na imbestigahan ito, isa lang ang nasasaisip ko — ang dati-rating zeal, dedication and professional competence ng aking co-civilian worker na si “Ver” na paboritong imbestigador ng sinumang umupong Chief PC o Chief PNP sa ngayon.

Ipinakita ni Ver ang walang kiling at walang takot  na katangian ng tunay na CIS investigator na naging daan ng bansag sa kanyang “most decorated civilian official” ng yunit kong ipinagmamarayag!

Sa ilang araw mula ngayon ay maaaring maisumite na nina PSSupt. Mon Rafael at Atty. Ver Pablico ang kanilang findings and recommendation na alam kong siyang magiging katatayuan ng PNP sa usaping Espinosa killing… tulad nang inaasahan na naging kinalabasan ng Mamasapano Inquiry na pinamunuan ni PDir Benjamin Banez Magalong (dating CIDG Director), ang kailangang  marinig ng bansa ang walang bias at tunay na pangyayari sa selda ni Espinosa.

Ito lang marahil ang ibig malaman nang lahat… bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit!

SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix B. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *