Saturday , November 16 2024

Media sinabon ng Pangulo (Sa pinalaking ‘tuhod joke’)

SINERMONAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang isang media man sa tila pagpinta sa kanya na bastos dahil sa biro niya tungkol sa tuhod ni Vice President Leni Robredo sa Tacloban City kamakalawa.

Sa press briefing sa NAIA Terminal 2 bago magpunta sa Malaysia, inamin ng Pangulo na ginawa niyang biro ang makinis na tuhod ni Robredo para maibsan ang kanyang galit nang makita na matapos ang tatlong taon mula nang hagupitin ng supertyphoon Yolanda ang Eastern Visayas at gumasta ng P72-bilyon ang administrasyong Aquino para sa rehabilitasyon, ay 4,000 pamilya pa lang ang nagbenepisyo sa pabahay.

“Yeah, I said she was wearing a skirt, her tuhod was walong ano… Sabi ko hindi nagsisimba ito. It is appropriate. As a matter of fact, it is good. So what’s the problem there? Why an issue? Sexist? O, nandiyan na naman ‘yung media. Anong sabihin ko? Totoo naman. And I said that every meeting, you ask all of the Cabinet members, just to lighten the moment. What’s so special about the knee of a person?” ayon sa Pangulo nang tanungin ni Marlon Ramos, Palace reporter ng Philippine Daily Inquirer s at sgt-at-arms sa Malacañang Press Corps (MPC), hinggil sa komento ni Robredo na “tasteless” at baseless ang tuhod joke ng Punong Ehekutibo sa kanya

“Yes. It is necessary to make people laugh, for them to enjoy the occasion, kasi galit ako. I was angry yesterday because after 42 billion sa NHA, pati after 30 billion sa DSWD, hindi kami riyan ha, bago lang kaming pumasok. Ang naka-occupy pa lang is 4,000. Kaya ako naga—To break the ice, ‘yun ang ginawa ko. So what’s so special about the body of a woman? Or the knee of a woman na walang kalyo? Ibig sabihin hindi… baka hindi nagsisimba,” dagdag ng Pangulo.

Giit niya, ang pagiging Presidente ay hindi nagtutuldok sa kanyang karapatan na magpahayag ng kanyang opinyon at wala siyang pakialam kung ipinta siyang bastos dahil sa kanyang pagbibiro dahil siya ay isang politiko at hindi heneral.

“What’s … being President. I do not stop being President just because I — do not exact a standard for me. I will do what I say and I say what I do,” aniya.

Giit ng Pangulo, mas maraming mahalagang isyu sa bansa kaysa bigyan pansin ng media at palakihin ang biro niya sa tuhod ni Robredo.

“You want to depict me as bastos? You can. Have your day. It’s not my concern to impose this standard kung ‘yan ang ano— Do not put a levitation or cast aspersion, sa mga biro ko kasi ako, hindi ako heneral, politiko ako. Natural sa amin ‘yan magpatawa, lalo na after magalit. And just to point out something there. You make a big issue about a tuhod na— is that the trivialities of media? It’s so trivial,” pahayag ng Pangulo.

Samantala, sinabi ng ilang political observers na nais gamitin ng kampo ng Bise-Presidente ang isyu ng “tuhod-joke” para ilihis ang isyu sa pagbisto ni Duterte na may karelasyong kongresista si Robredo.

Matagal na anilang kalat ang impormasyon na may ‘ugnayan’ sina Robredo dating Quezon City 3rd District Cong. Bolet Banal.

Si Banal ang tumayong “close-in political consultant” ni Robredo noong nakalipas na halalan at kasama niya sa pangangampanya.

“Hindi ko talaga—kasi kung alam ko lang na wala pa pala, tapos three years from now hindi pa tapos … sabagay, pupunta rin ako rito kasi nandito si Vice President e. Kung saan siya nagpunta, nagpasunod-sunod ako. Biyuda kasi (cheers). Annulled man ako sa… totoo, annulled ako sa asawa ko. Pero may anak ako, basta masuportahan lang, okay lang iyon. Ma’am, balita ko may boyfriend ka na . Sabi diyan sa ano … ‘wag ka mahiya. Do not be offended pero iyong sabi nila, hindi iyon totoo? E kung totoo iyon, ma’am, may patay na congressman na bago. Para mabiyuda ulit,” pabirong wika ng Pangulo sa tumatawang si Robredo kamakalawa sa Tacloban City.

( ROSE NOVENARIO )

‘TUHOD JOKE’ TASTELESS REMARKS — ROBREDO

BUMUWELTA si Vice President Leni Robredo sa hindi angkop na remarks at mapanlamang na pahayag laban sa mga kababaihan.

Ayon kay Robredo, walang puwang sa lipunan ang ganitong aksiyon at pag-uugali.

Bagama’t hindi pinangalanan, si Pangulong Rodrigo Duterte ay matatandaang nagpakawala kamakalawa ng pagbibiro ukol kay Robredo.

Maging ang tuhod ng vise president at rumored boyfriend ng opisyal ay binanggit ng pangulo sa harap ng maraming tao.

Bagama’t biro ito ng chief executive, marami ang naghayag ng negatibong reaksiyon sa ganoong pagbibiro.

“Tasteless remarks & inappropriate advances against women have no place in our society. We should expect that most of all from our leaders,” wika ni Robredo.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *