DESMAYADO si Pangulong Rodrigo Duterte sa nakitang resulta ng rehabilitasyon sa Tacloban City tatlong taon makaraan hagupitin ng supertyphoon Yolanda.
“It is this kind of service that I came here for. I’m really, I’m sorry I said, I do not want to offend anybody. I am not satisfied. Now three years, how many days—?” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa mass grave sa Tacloban City.
Inatasan niya si Presidential Assistant for the Visayas Mike Dino na pangunahan at madaliin ang paggawa ng mga pabahay para sa mga biktima ng Yolanda.
Maging ang mga opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) sa rehiyon ay binalaan ng Pangulo na sisibakin lahat kapag hindi natapos ang kanilang trabaho hanggang sa susunod na buwan.
“I’d like to ask the Presidential Assistant for the Visayas to, Mike, Mike Dino. I’ll put him in charge. Kaya nga Presidential Assistant siya Mike, maggawa ka ng bahay diyan, diyan ka tumira. You oversee the—I want this thing completed—I will be back. Babalik ako. Ano tayo ngayon? October, November. I’ll be back December,” aniya.
“Para rin… Alam mo Bay, sa totoo lang, bihira ako nagbabaril ng tao lalo na kung kaibigan. Pag hindi mo nagawa ‘yan—,” pabirong wika ni Duterte kay Dino.
( ROSE NOVENARIO )