Saturday , November 16 2024

2 sugatan sa sunog sa Parañaque City

DALAWANG residente ang nasugatan at halos 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasunog na residential area sa Paranaque City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Medina Vargas, 59, at Gilma Carasco, 39, kapwa ng Glenn St., Brgy. Moonwalk ng nasabing lungsod. Sila ay bahagyang nasugatan sa paa makaraan tumalon sa bakod habang nasusunog ang kanilang bahay.

Base sa inisyal na ulat ng Parañaque City Fire Department, dakong 9:30 am nang magsimula ang apoy sa loob ng bahay ng isang Ruby Alasama na inuupahan ng taxi driver na si Rolly Supitran, nasa hustong gulang, sa 1239 Haize St., Brgy. Moonwalk ng siyudad.

Agad kumalat ang apoy sa lugar at nadamay ang 20 kata-bing bahay na pawang gawa sa light materials.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula bandang 10:49 am.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *