Saturday , November 16 2024

2 killer ng OFW, patay sa shootout

PATAY ang dalawang hinihinalang holdaper at tulak na responsableng sa pagpaslang sa isang OFW nitong Biyernes, nang lumaban sa mga pulis sa follow-up operation kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat kay QCPD Director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula sa CIDU, kinilala ang mga napatay na sina alyas “Rodman” at alyas “Inggo” kapwa hinihinalang dayong tulak sa squatters areas sa UP Arboretum.

Ayon kay Supt. Rodel Marcelo, hepe ng CIDU, dakong 3:15am nang salakayin ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni SPO3 Roberto Ramirez, ang pinagtataguan ng mga suspek sa squatters area likurang bahagi ng UP Technohub sa UP Arboretum.

Ngunit nakipagpalitan ng putok ang mga suspek sa mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Ayon kay Marcelo, ang dalawa ang itinuturo ng mga saksi na pumatay sa biktimang si Russel Calbonero sa loob ng Hair Stage Saloon sa 30 Unit 8, V. Luna Extention, Brgy. Malaya, Quezon City nitong Nobyembre 4, 2016.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *