KINOMPIRMA ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nagpadala na ng resignation letter sa Office of the Executive Secretary ang dating Pangulo na si Fidel V. Ramos. Ito ay resignation bilang special envoy to China. Ngunit si PRESDU30 pa rin daw ang may final say kung tatanggapin ang resignation ni FVR. Para kay FVR, tapos na ang role niya bilang envoy, at ang vision niya para sa bansa ay iba sa vision ni PRESDU30.
RIFLE SALE IPINAHINTO NG US
Nagdesisyon ang US State Department na ihinto na ang sale ng rifle sa Philippine National Police dahil sa pataas na pataas na human rights concern at matapos magbigay ng pabago-bagong statements si PRESDU30 tungkol sa US at Foreign policy.
Para kay Sen. Leila De Lima, ito ay simula na mawawalan ang Filipinas mula sa US bilang resulta sa mga ‘palipad-hangin’ na banat ni PRESDU30 laban sa Amerika at ang nakatatawang pagbabago sa policy bilang anti-America at maging pro-totalitarian Chinese sa Asya.
Taliwas sa opinyon ni De Lima, para kay Sen. Panfilo Lacson, hindi makaaapekto sa Filipinas ang naging desisyon ng US Department.
ESPERON ON PANATAG SHOAL
Sa isang media forum, ibinahagi ni Hermogenes Esperon ang kaniyang opinyon tungkol sa isyu sa Scarborough Shoal. Matatandaang matapos ang state visit ni PRESDU30 sa China kamakailan, ay pinahintulutan na ng Chinese Coast guards ang mga mangingisdang Filipino sa nasabing shoal. Ngunit para kay Esperon, hindi puwedeng sabihin na pinahintulutan kasi hindi kailangan humingi ng permiso sa kanila, sapagkat ang Panatag Shoal ay atin pa rin namang kini-claim. At dahil dito, hindi raw kailangan humingi ng permiso ng Filipinas sa China.
TAGAYTAY UNDAS 2016
Sa aking obserbasyon, hindi tulad noong nakaraang taon, ang Undas ng taong ito ay naging mas mapayapa at tahimik. Traffic pa rin naman, ngunit hindi na katulad dati. Siguro natuto na rin ang mga taga-Tagaytay na kagaya ko na huwag na sabayan ang mataas na volume ng sasakyan ng mga turista sa panahon ng Undas.
Kapansin-pansin din ang mga batang hamog mula sa iba;t ibang lugar na nagkalat dito NAng ilang buwan ay nawala na rin.
Salamat sa pamahalaan ng Tagaytay at sa pulisya dito!
MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego