INAMIN ng Pinoy boxing icon at kasalukuyang senador Manny Pacquiao na bahagi ng dahilan ng kanyang pagbabalik sa ring mula sa maikling pagreretiro ay dahil sa pera -— kahit naibulsa niya ang mahigit US$100 milyon sa paglaban niya kay Floyd Mayweather Jr.
Sa katunayan, itinuturing si Pacquiao bilang isa sa highest-earning athlete sa kasaysayan ng professional sports, ngunit, inaamin din ng dating kinatawan ng Sarangani na hindi sasapat ang kita ng isang politiko para masustentohan ang kanyang mga pangangailangan.
Malaking porsiyento sa kinikita ni Pacman ay ipinamimigay ng senador sa mga nangangailangan at mahihirap na kababayan.
Dangan nga lang, nahaharap sa katotohanan ang pambansang Kamao nga-yong araw na ito: sa laban niya para sa welterweight title ng World Boxing Organization (WBO) kontra sa underdog champion na si Jessie Vargas, lumilitaw na ang kanyang kikitain ay hindi tulad sa dati niyang mga laban. Si Pacquiao ang headli-ner ng pay-per-view show na dinesisyonang ipapamahagi mismo ng promoter na si Bob Arum.
Simula nang magtala ang labang Mayweather-Pacqu-iao ng record na 4.6 milyong kita, bumagsak na ang boxing pay-per-view sales at halos lahat ng sumunod na laban ay nabigong kumita tulad ng inaasahan.
Bahagi nito ay dahil sa customer revulsion, na ginatungan ng money grab sa Mayweather-Pacquiao bout. Sa pagitan ng dalawa, kumita sila ng kalahating bilyong dolyar, pero hindi naging exciting ang sagupaan gaya ng inaasahan ng mga fans
Sadyang sumama ang sales simula noon kaya hindi nga halos umabot ng 300,000 ang benta sa laban ni Canelo Alvarez noong Setyembre sa Arlington, Texas, kontra kay Liam Smith. Binansagan si Alvarez bilang “the largest star” sa boxing ng kanyang promoter na si Oscar De La Hoya.
Ngayon naman ay narito si Pacquiao, minsang pumangalawa lang kay Mayweather bilang pay-per-view attraction, sa isang laban na halos lahat ng boxing afficionaddo ay umaayaw na panoorin. Sa kabila na hawak niya ang world title at record na 27 panalo at isang talo, hindi kilala si Vargas sa pandaigdigang arena.
Malinaw ang pahayag ng fans na mas nais nilang makita si Pacman na harapin ang mas sikat na si Terence Crawford, pero mas pumaling si Arum na labanan niya ang hindi kilalang si Vargas dahil muntikan umanong tinalo ang nemesis ni Pacquiao na si Timothy Bradley.
ni Tracy Cabrera