INAMIN ng Palasyo na may ulat ng banta nang pagdukot sa Cebu makaraan maglabas ng travel advisory ang US Embassy sa kanilang mga mamamayan na iwasan magpunta sa Southern Cebu dahil sa banta ng kidnapping.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mayroong ulat ang pulisya hinggil sa planong pagdukot sa mga dayuhan ngunit kasalukuyang bina-validate pa ito ng mga awtoridad.
“There was indeed a police report regarding a plan to stage a kidnapping in Southern Cebu. The report is in the process of being validated, “ ani Abella.
Nagsasagawa na aniya ang pulisya ng mga kaukulang hakbang u-pang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
“The PNP commanders at various level have taken the necessary steps to harden or protect possible targets. Moreover, other measures are being undertaken in public venues to safeguard crowns from harm,” wika ni Abella.
Nagpalabas ng travel advisory kahapon ang US embassy sa kanilang mga mamamayan na iwasang magtungo sa Southern Cebu particular sa bayan ng Dalaguete at Santan-der kabilang ang Sumilon island dahil sa napaulat na plano ng terrorist group na kidnapping.
( ROSE NOVENARIO )