AKTIBO ang kidnap-for-ransom syndicate sa Binondo, Maynila mula nang ilarga nang todo ng administrasyong Duterte ang kampanya kontra-droga.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Regional Convention sa Manila Hotel kagabi, lumipat sa operasyon ng kidnap-for-ransom ang drug syndicate.
Sa katunayan aniya ay anim na kaso ng KFR ang naitala sa nakalipas na tatlong linggo.
Nagbabala ang Pangulo sa mga sindikatong kriminal na haharapin sila ng awtoridad.
Anang Pangulo, bumaba ang supply ng shabu mula nang ilunsad niya ang drug war.
Ipinaliwanag din ng Pangulo na nakahanda siyang iwanan ang poder kapag ang kanyang mga kritiko ay magkapaglalatag ng solusyon sa problema sa illegal drugs, kri-minalidad at korupsiyon sa bansa.
Muling binatikos ng Pangulo ang pagpuna ng US sa extrajudicial killings na kaugnay umano ng kanyang drug war.
Tiniyak niya na hindi siya kailanman magiging tuta ng Amerika at pani-nindigan ang dignidad ng mga Filipino laban sa pang-aapi ng mga mananakop.
“What went wrong, get your dictionary find out the right meaning of dignity,” mensahe ni Pa-ngulong Duterte kay US President Barack Obama.
( ROSE NOVENARIO )