INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DoH) na pangunahan ang pag-aaral sa panukalang executive order na may layuning magpatupad ng nationwide firecracker ban.
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, sa isinagawang cabinet meeting kamakalawa, pinatitiyak ng Pangulo na matugunan ang pagkawala ng trabaho ng mga umaasa sa paggawa ng mga paputok kapag ipinatupad ang firecracker ban.
Hiindi aniya dapat mawala ang nakagawiang tradis-yon ng pagsasaya tuwing Kapaskuhan at sa pagsalubong ng Bagong Taon.
“A revised EO on the firecracker ban will be submitted. The concerned agencies will look into the proposal to regulate pyrotechnics to mitigate the possible loss of jobs and at the same time enable traditional celebration of festivities,” ani Andanar.
Hindi malinaw kung ihahabol na malagdaan ang EO bago sumapit ang Pasko.
( ROSE NOVENARIO )