Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P8-T inilaan sa infra projects

AABOT sa mahigit walong trilyong piso ang ilalaan ng administrasyong Duterte sa infrastructure projects sa susunod na limang taon.

Inilatag kahapon sa press briefing ang nakalinyang infrastructure projects ng administrasyong Duterte para mapabilis ang government spending at ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Tinukoy nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Public Works Secretary Mark Villar, Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairman Vince Dizon ang malalaking infrastructure projects na gustong ipatupad sa loob ng anim taon ng administrasyong Duterte.

Sinabi ng mga kalihim, ang mga proyektong ipatutupad ng administrasyon ay solusyon sa kakulangan ng trabaho, pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at mas mabilis na transportasyon.

Ayon kay Secretary Villar, target ng gobyerno na itaas sa 5-7% ng Gross Domestic Product ang infrastructure spending ng gobyerno mula sa average na 2.2% sa mga nakalipas na administrasyon.

Kabibilangan aniya ng railways, urban mass transport, airports, seaports, mga tulay at kalsada, at mas magagandang mga lungsod o green cities.

Habang ang “battlecry” na susundin ng gobyerno ay “build, build, build” ibig sabihin ay hindi hihinto ang pagtatayo ng  infrastructure projects 24 by 7.

Ilan sa malalaking proyekto ang tulay na magdudugtong sa Iloilo, Guimaras, Negros, at Cebu; Manila Clark railway project, Mindanao Railway, Regional Airport Development, Ro-ro port development at ang Clark green city.

Tiniyak ng mga kalihim ang transparency ng mga proyekto ng pamahalaan dahil gusto anila ni Pangulong Duterte ang malinis na gobyerno.

Sinabi nilang ipatutupad nila ang “freedom of information portal” at dito ilalabas ng gobyerno ang lahat ng transaksiyon ng gobyerno mula sa mga kasunduan hanggang sa pondong ginastos sa mga proyekto.

Samantala, umapela sa publiko si Secretary Pernia na dapat ay tiisin muna ng publiko ang kaunting abala habang itinatayo ang mga proyekto ng gobyerno.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …