SA nakaraang concert ni Sharon Cuneta na ginanap sa Solaire, Resorts and Casino ay kinanta niya ang isa sa hit single ni Rey Valera, ang Maging Sino Ka Man na naging title rin ng movie niya katambal ang nakarelasyon noonng si Robin Padilla.
After kantahin, ini-reveal niya na muntik na raw niyang pakasalan si Robin noon kaya lang may nadiskubre raw siya, may nabuntis na babae ang action star na naging dahilan para hindi ituloy ang planong pagpapakasal dito.
Ang tinutukoy ni Sharon na nabuntis ni Binoe na hindi niya binanggit ang pangalan ay ang unang asawa nitong si Liezl Sicangcona ina ni Kylie Padilla.
( ROMMEL PLACENTE )