Friday , November 15 2024

PresDU30 sa Japan

SA harapan ng mga Filipino sa Japan, nangako si PRESDU30 na ang susunod na generation ng mga Filipino, ay hindi na kailangan maging overseas Filipino workers (OFW).

Nanindigan siya na lahat ay gagawin niya upang ang pagtaatrabaho ng mga Filipino sa ibang bansa ay hanggang ngayon na lang. Bago pa tumungo sa Japan, sinabi ni PRESDU30 na sasabihin niya sa Japan na ang Filipinas ay open for business. Hanggad ng Pangulo na mapataas ang ekonomiya upang sa susunod na pumunta ang mga Filipino sa Japan ay para magbakasyon at hindi para magtrabaho pa.

COMELEC ON PRESDU30

Sinimulan na ng COMELEC na i-check ulit ang campaign finance records ni PRESDU30 matapos makita na hindi naideklara ng Pangulo si Gov. Imee Marcos bilang isa sa kaniyang donor sa kaniyang campaign fund sa statement of contributions & expenses o SOCE.

Ito ay matapos sabihin ni PRESDU30 sa kaniyang talumpati na isa si Marcos sa nagbigay ng funds sa kaniyang kampanya.

DAYAN HINAHANAP NA

Matapos ang dalawang linggo mula nang lumabas ang warrant of arrest ni Ronnie Dayan, ang dating bodyguard at driver ni Sen. Leila De Lima ay hinalughog ng mga pulis ang bahay niya sa Pangasinan. Tanging ang asawa ni Dayan ang humarap sa pulis at halos wala nang gamit ang bahay ni Dayan.

Si Dayan ay matatandaang ipinaaresto ng mga kongresista, matapos siyang hindi sumipot sa mga hearing at pinaniniwalaang kasabwat siya sa naging drug trade sa Bilibid.

PICHAY ON BARBERS

Maaalalang nagkainitan sina Rep. Prospero Pichay at Rep. Ace Barbers sa isang hearing sa House of Representatives Committee on Constitutional Amendments. Ang dalawa ay muntik ng magsuntukan, matapos lumapit si Barbers kay Pichay. Dahil sa nangyaring insidente, si Pichay ay nag-file ng Ethics Complaint laban kay Barbers sa House of Representatives.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *