Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Si ‘Digong’ ng Pasay police

Dragon LadySINO ang alyas ‘Digong’ sa Pasay City police station, na madalas magdala ng iba’t ibang babae sa isang kilalang motel, na hindi nagbabayad ng kanyang inokupang kuwarto?

Abusado ang pulis na umano’y ‘bata’ ng hepe ng nabanggit na pulisya.

Ginagamit umano ni ‘Digong’ ang kanyang hepe sa nasabing motel at pakilala ay ‘bata’ ni PNP Director Ronald  “Bato” de la Rosa ang kanyang hepe, kaya matigas pa sa bakal ang mukha ni Digong kung umasta!

***

Ayon sa aking impormante, itong si alyas “Digong” ay mayabang pa sa hepe, bukod sa abusado, ay nakikitang umiinom ng alak sa kubo na nasa harapan ng police headquarters sa hatinggabi. Bukod sa nakahambalang ang sasakyan sa daanan ng mga behikulo ng Mobile Patrol at mga nagtutungo sa Station Investigation Unit Management at sa City Jail.

Ibang klase talaga si ‘Digong’ ng Pasay police, hindi magandang ehemplo!

‘ANAY’ SA OLIVAREZ ADMINISTRATION

Dapat walisin ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang mga anay sa kanyang administrasyon, partikular ang mga taong gumagawa ng pera lingid sa kaalaman ng Alkalde. Sino siya? Isang tao na minsan ay mabait, minsan ay may topak. Paano kung mauna ang topak ng taong inaagrabiyado niya? Hindi muna natin papangalanan ang taong ‘yan, habang masusi kong nire-research ang background ng taong ‘yan!

Nakausap ng inyong lingkod si Mayor Edwin, dahil pakilala ng taong ‘yan, ay kamag-anak siya ni Mayor! Kamag-anak nga kaya o ginagamit lang ang salitang kamag-anak? Hindi ko lang alam kung ano ang alas na hawak ng taong ‘yan kay Meyor Edwin at hindi mailipat ng ibang dibisyon.

Dahil ‘anay’ sa administrasyong Olivarez!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …