SA harapan ng Filipino community sa Beijing, China, sinabi ni PRESDU30 na siguro “it’s about time” na ang mga Amerikano ay mag-apply na rin ng visa pag pupunta rito sa ating bansa. Kagaya ng ginagawa nating mga Filipino ‘pag nagpupunta tayo sa Amerika.
Ibinahagi rin ni PRESDU30 ang hindi magandang karanasan sa pagkuha ng kaniyang visa at mismong karanasan sa bansang Amerika.
Dagdag niya, it was “time to say goodbye sa US” at ang naging pananatili raw ng mga Amerikano rito sa Filipinas ay naging pansarili lamang.
DE LIMA ON PRESDU30
Tinawag ni Sen. Leila De Lima na ‘naïve’ at ‘delusional’ si PRESDU30 matapos mag-announce ang Pangulo ng separation sa US sa kaniyang talumpati sa state visit sa China. Para kay De Lima, wrong timing ito dahil hindi dapat sinasabi ang mga ganitong bagay sa state visits. Para kay De Lima, isang kahibangan na i-level ni PRESDU30 ang Filipinas sa leadership ng China at Russia.
Kasabay nito, hinikayat ni De Lima ang publiko na tingnan ang reality ng issues pagdating sa pakikipagsundo sa China at Russia, at hindi lamang ang magagandang picture na gusto ni PRESDU30 na makita nating lahat.
PROSTITUTES SA BORACAY
Last week, ako ay nakapagbakasyon sa Boracay Island. Masaya ako dahil after 10 years nakabalik ulit ako sa sikat na tourist spot. Hindi lang dito sa ating bansa, pati na rin sa buong mundo. Napakaganda pa rin ng lugar, at maraming bagong bars, restaurant at boutiques.
Kung meron man akong hindi nagustuhan, ito ang lantarang prostitusyon sa Boracay. Mapababae o mapa ‘lady boy’ ay nagkukumpol-kumpol na parang mga kabute sa gabi. Naghihintay sila ng mga lalaki, mapa-Filipino, Amerikano, Intsik, Koreano. Lahat ay nilalapitan nila basta’t walang babaeng kasama.
Sana mabigyan pansin ito ng kinauukulan sa Boracay, ito ay hindi lang kasiraan ng Island, kundi ng Filipinas. Panahon na rin para itaas natin ang respeto ng mga taga-ibang bansa sa ating mga kababaihan.
TAXI SA NAIA ROAD BUWAYA
May pila ng taxi sa tapat ng KFC along NAIA Road, across Costal Mall. Noong Linggo, kami ay nag-abang sa KFC ng TAXI upang pumunta sa Terminal 4. Pagsakay naming mag asawa sa TAXI, ang sabi sa amin ng driver, P150 singil papuntang Domestic Airport. S’yempre ako ay nagtanong kung bakit ang mahal, samantala ang lapit lang ng Terminal 4 na aming pinanggalingan. Wala pang 10 mins, aabutin ang aming travel time. Ang sagot ng taxi driver, lahat silang nakapila roon ganoon ang presyo. Hindi na lamang kami kumibo sa kagustuhan na makarating sa airport.
Ang kapal din ng mukha ng mga taxi driver kung lahat sila ay nangongontrata ng pasahero. Bakit kaya di na ‘lang tanggalin ang mga metro ninyo?!
Sa pagkakaalam ko, ayaw ni Digong sa mga buwaya na kagaya niyo sa lipunan!
MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego