Tuesday , April 1 2025

Digong bumisita sa Cagayan at Isabela

BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang Tuguegarao City, Cagayan, isa sa mga lalawigan sa northern Luzon na sinalanta nang husto ng supertyphoon Lawin.

Pinangunahan ng Pangulo, kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, ang pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ni Lawin.

Nagpunta rin sa Ilagan, Isabela ang Pangulo para tingnan ang sitwasyon ng mga biktima ng kalamidad.

Nasa state visit sa China ang Pangulo nang manalasa ang supertyphoon Lawin.

Batay sa ulat sa Palasyo, may 120,584 pamilya o 576,000 katao iyong apektado, 2,100  sa CAR (Cordillera Administrative Region), sa Ilocos o Region I, sa Region II o sa Cagayan Valley, sa Region III o iyong Central Luzon at sa CALABARZON area na apektado ng bagyo.

Umabot sa 9,519 pamilya o 39,358 katao ang nasa shelter sa mahigit 224 evacuation.

Sa kasalukuyan, mahigit P28,063,169.40 ang naibigay na relief assistance sa mga apektadong pamilya.

At P23,497,269 ang ipinamahagi sa LGUs, at naglaan nang mahigit P4,565,900.10.

Base sa report ng DPWH, nasa 83 kalye o road sections ang apektado at sinira sa Regions I, II, III at sa CAR.

Apatnapu’t siyam na mga kalye ay na-clear na at nadaraanan na, ang remaining 34 road sections ay sumasailalim pa sa clearing operations.

“At dito naman tayo sa mga namatay, iyong mga nawawalan. Sa Region CAR (Cordillera Administrative Region) o Benguet, iyong mga namatay po ay sina Arsenio S. Lantaen, 65 years old ng Barangay [Abatan, Buguias]. Siya po ay biktima ng landslide. Si Edgar Genese, 40 anyos ng San Fabian, Pangasinan. Ganoon din po, nalibing sa landslide. Si Jonie Borja, 35 years old ng La Union, landslide din po ang ikinamatay. Si Jhon Carlos Hatop, 20 anyos ng Benguet, landslide din po ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Si Joshua Helia, 19 anyos. Siya po ay nalibing din po sa landslide. Si Jessie Helia ng Negros Oriental, ganoon din po sa landslide. Sa Ifugao po naman, ikapito na dead on the spot na namatay po ay si Jay-ar Chawagam. Siya po ay nalibing din po sa landslide noong October 20. Si Jeramel Alfaro, 15 anyos dito rin po sa may Barangay Nompolia, Hungduan – landslide din po,” ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Andrew E SV Sam Verzosa

Andrew E ‘di nagpabayad; Sigaw ng Manileno SV Bagong Pag-asa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBANG klase talagang mag-perform ang isang Andrew E. Kapag siya na ang nasa …

033125 Hataw Frontpage

Pagkatapos ng meryenda at sitserya  
‘TEAM GROCERY’ BISTADO SA KONTROBERSIYAL NA CONFIDENTIAL FUNDS NG VP

HATAW News Team MATAPOS ang mga pangalan at apelyidong kahawig ng coffee shop, sitserya, at …

033125 Hataw Frontpage

Resulta ng survey
85% NG KABATAAN APRUB NA PATALSIKIN SI VP SARA

MAYORYA ng college students ang naniniwala na dapat mapatalsik sa kanyang puwesto si Vice President …

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

SINIPAT ng TRABAHO Partylist sa Navotas City ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa mga latahan …

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *