BINAWIAN ng buhay ang isang barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa harap ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.
Nalagutan ng hininga habang dinadala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Edmund Caranza, 42, ng Brgy. 350, Zone 35, District 3, at residente sa M. Natividad St., sa Sta. Cruz.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Bernardo Cayabyab, dakong 11:09 am nakikipagkuwentohan ang biktima sa kanyang kaibigan sa harap ng kanilang bahay nang biglang barilin nang malapitan ng suspek at pagkaraan ay mabilis na tumakas.
( LEONARD BASILIO )