TAHIMIK na ngayon ang pribadong buhay ng aktres na ito, pero hindi mapigilang gumuhit sa alaala ng iilan lang na nakaaalam sa showbiz na minsan isang panahon ay ikinalakal din pala siya ng isang proud bugaloo.
“Naku, huwag ikakaila ni (pangalan ng aktres) na pumayag din siya minsan sa inialok na ‘raket’ sa kanya ng kontrobersiyal na bugaw na kamakailan, eh, ‘kumanta’ tungkol sa kanyang sideline, ‘no! Pero noon ‘yon. Kaya lang kasi nauungkat ang pangalan niya sa mga umpukan, eh, dahil isa siya sa mga naibenta noon ni (pangalan ng showbiz bugaw,” sey ng aming source.
Kalaunan naman daw ay tinalikuran na ng aktres ang kalakalang ‘yon hanggang sa mainlab at ngayon ay maligaya nang kapiling ang kanyang kataling-puso.
At dahil hindi na rin siya gaanong aktibo sa showbiz, ang proud pimp na lang ang itago natin sa alyas na Susana Meneses.
( Ronnie Carrasco III )