Saturday , November 16 2024

2 tigok sa tandem, 2 suspek tigbak sa parak

PATAY ang dalawa katao nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects at dalawa ang sugatan kabilang ang isang paslit na tinamaan ng ligaw na bala, habang namatay rin ang mga suspek makaraan makipagbarilan sa nagrespondeng mga pulis sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang mga biktimang sina Noel Kilantang, 40, at alyas Teresa, 45-anyos.

Habang ginagamot sa Tala Hospital si Jeffrey Cacheco, 35, at inoobserbahan ang kalagayan ng 2-anyos na si Mark Jayson Cacheco.

Ayon kay Caloocan Police Station Investigation Division (SID) Chief Insp. Illustre Mendoza, dakong 1:05 am nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa loob ng bahay sa Raja Sulayman St., ang kanilang target na hinihinalang sangkot sa droga na sina Kilantang at Teresa. Sa kasamaang palad tinamaan din ng bala ang dalawa pang biktima.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek ngunit naabutan ng nagrespondeng mga tauhan ng PCP 5 na nagresulta sa palitan ng putok.

Pagkaraan ay tumimbuwang na walang buhay ang mga suspek pa hindi pa natutukoy ang pagkakilanlan.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *