MAY kasabihang ”Truth is stranger than fiction.” Isang maituturing na malaking balita sa daigdig ng basketball ay ang pagligwak ng koponang Star Hotshots sa manlalaro nitong si James Yap. Ang Rain or Shine ang sumalo kay James.
Obviously, may parallelism o pagkakatulad ang direksiyon ng karera ni James sa itinatakbo naman ng dati niyang dyowang si Kris Aquino. As everybody knows, binitiwan si Kris ng ABS-CBN (or the other way around) na sinalo naman ng APT Entertainment (technically, Kris is not a Kapuso star).
Despite the slight similarity ay mayroon din namang bahagyang pagkakaiba between James and Kris. Si James ay dating nasa Star na lumipat sa Rain or Shine, samantalang si Kris ay isang star who shines no more (dahil sa madalas na rain).
Totoong nagaganap ang mga career events na ito, na mas makapanindig-balahibo kaysa kathang-isip. Isa lang ang malinaw na kaibahan pa rin ng former spouses: James continues to play anyway, samantalang patuloy pa rin ba kayang magho-host si Kris ng bagong show, eh, wala ngang balita to think na matagal na siyang nakapirma kay Mr. Tony Tuviera?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III